28 September 2007

"Pinay Na, Nars Pa!"

“Nars!, Ma’am!, Sister!, Sensei!, Ate, Dok, Doc nars!” Ang iba’t ibang tawag sa akin sa mahigit na pitong taon ko sa aking propesyon. Marami na rin akong pinagdaanan at nakilala, kalahi man o hindi.

I am in a profession dominated by women. Nasa mundo ako kung saan kailangan kong mamayani. Kung saan ang ka kompetensya ko ay mga babaeng kasing tatag ko sa aking larangan, kasing tiyaga at kasing sipag. Kami ang mga Filipina Nurses, kilala sa buong mundo dahil sa pagiging totoo.

Nagkaroon ako ng pagkakataon sa aking buhay kung saan naranasan ko na mangibang bayan. I was not ready at that time. Isang taon pa lang akong nakapagtrabaho sa isang maliit na hospital noon bago umalis. Sa madaling salita, “lack of experience”.
My decision to try my luck outside my native land was influenced by how hard our lives back then. I took a flight not knowing what was there for me. But deep inside, I know I can do it.

“World Class Nurses”
kung kami ay tawagin. At hindi ko at ng mga kasamahan kong Filipina kailan man sinira ang tingin ng iba sa amin. Naging mahirap ang buhay ko doon, mas naging mahigpit ang kumpetisyon dahil ibat-ibang lahi ang kasama kong babae sa ward. Ang isa sa nakapagpahirap lalo ay ang kalayuan ng kanilang salita, kultura at relihiyon sa kinalakihan ko. Nangapa ako. Ngunit sa kabila ng lahat namayagpag ako. In the Arab world, Filipina women are just for fun dating. But despite of that, we were able to gain power and placed ourselves at the top in just a fraction of time. We were able to let them see that we are far better than what they think about Filipina
.

Sa naging karanasan ko sa ibang bayan, doon ko naisip ang sagot sa mga katanungan ko na “Bakit mas maraming babae na nars kaysa sa lalaki?” at “Bakit mas magaling ang Pinay kaysa sa ibang lahi?” Ito ang aking kasagutan. Dahil ang Pinay Nars ay may puso. We only not symphatized but we emphatized. The care that Filipina Nurses give is truly from the heart. We inherit that trait from our culture. Grandmother, mother, sister, aunt, we feel the same. Sa bawat paghaplos, sa bawat pagturok ng injection, sa bawat pagpaligo, sa pag buhat, pagpapainom ng gamot, pagsubo ng namin ng pagkain sa aming pasyente ay may kasamang pagmamahal dahil sila ay hindi lamang pasyente sa aming paningin kundi kapamilya.

Sa mundo ko, Filipina ang hari. Sa mundo ko, Filipina ang magaling. Ito ay para sa lahat ng mga katulad kong Nars. Panahon na para mas lalo tayong makilala sa ating larangan dahil tayo ay
“Pinay na, Nars Pa!”

This is my contribution to give "Filipina" a better meaning...

7 comments:

Anonymous said...

sana may local hospitals din... try ko punta doon.

Anonymous said...

ay mali... hehehe. para sa job fair pala yun maam.

ganda po ng entry nyo sana nga maging succesful ang campaign to change the meaning of "Filipina"

Anonymous said...

Galing! We are proud of all the "Filipina Nurse"

Anonymous said...

go,go,go ma'am! hehehe! mabuahy ang Pinay Nars!

Anonymous said...

all the best for Filipina Nurses! Good luck!

Anonymous said...

December 2007 NLE Result here at last! visit the website below

http://clickdavao.com/realestate/nle_december2007.html

melancholia narcotica said...

Nagustuhan ko ang sinulat mo tungkol sa mga Pinay Nars! Nakaka touch. Iba talaga ang tatag ng Pinay na, Nars pa.
Hindi pa ako lubos na Pinay Nars, ngunit naniniwala ako sa taglay kong kakayahan na maging isang 'World Class Nars.' Basta nasa puso ang ginagawa, makakamtan at malalagpasan lahat ng pagsubok.

 
Copyright © 2010 Nurse's Thoughts | Design : Noyod.Com