24 April 2007

Practical tips for HK nclex takers

(pics taken last 08/03/06 during my nclex trip to hk)
I got this from a website before I took my nclex exam in Hongkong. And this one is really very helpful. To someone who wrote this Ang GALING mo! Here are some tips that I can share to you when going to Hongkong: 1. Bago ka pumunta sa Centennial Terminal ng NAIA, dapat ay nasulatan muna yung Bureau of Immigration Embarkation Card, May dala ka na ring P550.00 para bayad mo sa Terminal Fee. I suggest magdala ka ng belt bag na paglalagyan mo ng passport, chewing gum at bonamine chewables (kung mahiluhin ka sa
biyahe). IRoam-on mo na ang celfone mo.
2. Magdala ka ng mineral water. Mahal kasi ang Mineral water doon mga HK$7.00 at kung may Sotanghon o cup noodles ka. Magdala ka na rin para makatipid. 3. Pagsakay mo ng eroplano, pray hard to God for a safe trip and easy NCLEX questions. Para ibless ka. 4. Bibigyan naman kayo ng stewardess ng instructions kung paano gagamitin ang safety features ng aircraft, like seatbelt, O2 mask etc kaya makinig. Sulatan mo na rin doon ang Hongkong Immigration Embarkation Card (carbonized ito). Tapos kainan na. 5. Paglapag ninyo ng Hongkong International Airport. Maglalakad ka sa loob ng mahaba.Mag flat escalator ka na para di ka mapagod. Baka hanapin mo kaagad ang bagahe mo. Dadaan ka pa ng immigration para matatakan ang passport mo. Paglabas mo doon mo pa siya makukuha, i forgot the no ng baggage carousel kung saan mo kukunin ang mga bagahe mo. Doon mo siya kukunin. Kung may inclusive na airport transfer ka through your travel agency, punta ka sa left wing B13-20. Nandoon ang mga transport services to assist you. 6. Dapat nakahanda na rin ang camera mo para sa mga souvenir pictures at scenic spots na dadaanan ng bus mo. Dapat may pocket money ka ha. Ako kasi HK$1500 (equivalent to P10,500.00) ang dala ko. Magpapalit ka na sa Metrobank ng HK$ sa Pinas kasi, mahaba ang pila ng palitan ng pera sa Hongkong airport para wala ka ng iintindihin. 7. Pagdating mo sa hotel. Hihingan ka ng deposit para sa incidental charges mo, (Depende sa hotel kung magkano- sa Central Park Hotel ang hinihingi sa amin ay HK$500 per room). Ibabalik naman ito sa inyo kapag check-out na kayo. 8. Magocular visit na ng Grand Millenium Plaza (testing site ng Pearson vue). Kung first time magtrain at hindi alam. Magtanong sa MTR Customer Service, humingi ng train station map, para makita ang mga connections ng red, blue at orange lines ng train. Bago pumunta sa ticket machine, icheck munang mabuti ang bababaan, Touchscreen naman ito at lalabas sa screen ang amount kung magkano. Pindutin ang Sheung Wan, tapos ipasok ang coins or paper money sa hulugan ng pera. Susuklian naman kayo ng machine. Bababa kayo sa Sheung Wan Station. Makikita ninyo yung street ng Queen's Road Central. Harap ng Grand Millenium Plaza sa kanan ang Cosco Tower (may Fitness First sa taas nito). Pero sa Grand Millenium kayo. Sumakay ng escalator para makarating sa 2nd floor loft (may UCC Coffee store dito kya puwede kayong magkape). Dumaan sa kanan, para magelevator. Floors 2-15 kasi ang sineserve ng elevator sa kanan, sa kaliwa ay 16-30 ang sineserve. Pagpasok ng elevator, pindutin ang 5/F. Pagdating sa 5/F Dumaan sa kanan, nandoon na ang Pearson Testing Center (Rm. 503). Huwag ng pasukin, kasi may security codes ang pinto. Hindi mo pa naman schedule magexam. Tiningnan mo lang ang place. 9. Tapos umuwi ng ng hotel. Magfamiliarize sa mga kainan na malapit sa hotel like Mc.Donald's, KFC, Seven eleven at mga noodle houses. Kung may makita kang Filipino Store. Makipagkaibigan, pero huwag isama sa hotel ang bagong kaibigan. Di mo pa kasi sila lubos na kakilala. May load station ng SMART1528 at Globe sila. Kaya pag naubusan na ng load. Puede magpaload at magtanong sa kanila. 10. During the day of the exam. Gumising ng maaga, magdasal kay Lord to guide you. Magbreakfast at Maligo. Maagang sumakay ng train para makarating kaagad sa testing site 30 minutes before the actual time of examination. Kumuha ng no. iaaproach ang receptionist ng Pearson View (Cute na chubby girl ito) bibigyan ka ng rules and regulations regarding NCLEX-RN Examination. Basahing mabuti ang mga nilalaman. Pagtapos na. Tatawagin na kayo ng receptionist. Ihanda na ang ATT at Passport (dapat pare-pareho ang pirma mo sa passport at ID, walang maling spelling sa ATT). Magfinger scan ng ring finger at magregister.Tapos kukuhanan ka ng picture. Tatanggalin mo ang jacket. Pumunta sa locker, yung no ay based sa number na kinuha mo. Ilagay lahat ang mga gamit, jacket at mga alahas at relo. Susi lang ang dala mo sa loob ng examination room.Bibigyan ka ni Chubby Girl ng Whiteboard sheet at marker. Gagamitin mo na ito pag nagstart na ang exam (dito mo isusulat ang mga normal values, pneumonics at formulas para sayong mga computations kung may lalabas). Tatawagin ka na ni Chinagirl (payat siya) at iaassist ka na sa loob ng cubicle para sa instructions.Pag-upo sa cubicle, pray again and have a deep breath and relax. Itaas ang kanang kamay, kapag may tanong o problema ang PC. Lalapit si China Girl (payat siya). Magtutorial muna sa PC pag hindi alam. Tapos magstart na ang exam. Hihinto ito depends on your competency ang correct answers. Paghuminto itaas ang kanang kamay. Lalapit si Chubby girl, sabihin mo na tapos ka na. Paglabas mo, kukuhanan ka niya ulit ng ring finger scan, Tapos labas ka na ng review center. Kung maykasama ka dapat may usapan na kayong maghintayan sa may UCC Coffee Shop. Tapos punta na kayo sa MTR sakay na kayo ng train, punta na kayo ng Mongkok, Wanchai, Causewaybay, Victoria Peak at Disneyland (Sa Sunnybay ang baba pag mag Disney kayo). Weekend kayo pumunta para mura-entrance is HK$295. Pag weekends kasi HK$395. Enjoy! Sana magamit nyo rin ito!

0 comments:

 
Copyright © 2010 Nurse's Thoughts | Design : Noyod.Com